Tuesday, September 23, 2014

CT Scan with Contrast

Isang linggo na ang nakalipas ng maghanap, magtanong, at magkumpara ako kung saan mura ang CT Scan na kailangan ng nanay ko.  Dahil sa Aklan s'ya nakabase ang una kong tinanong kung saan meron ay sa Panay Health Care at ang sabi P7,400, 16 slices.  Hindi ko naitanong kung may senior citizen discount ang presyo na binigay n'ya.  At dahil nasa Bacolod ako nakabase at gusto kong magpa second opinion, pinapunta ko ang aking nanay para ipakonsulta sa Riverside Hospital.  Nung kausap namin ang pulmonary doctor nya at humingi ako ng advise kung saan dapat at ano ang nararapat, simple lang ang sagot n'ya: depende sa pinansiyal ninyo.  Mabait ang doktor dahil binigyan n'ya kami ng options:


  1. Riverside Hospital - 13k+ / sa buong Negros sila lang ang may pinakalatest na equipment at nagbibigay ng 64 slices na resulta (may senior citizen discount pa yan)
  2. Doctors Hospital Bacolod - 10k (may senior citizen discount pa) at 16 slices din
  3. Negros Regional Hospital - nasa 4k o mahigit pero aabutin ka ng minimum 2 linggo para ma scan kasi pipila ka sa charity cases nila at 16 slices lang din ang resulta.
Ang nanay ko ay hindi mabubuhay na nakatunganga lang at hindi ko mapigilang tumigil muna sa bahay at magpahinga kaya wala sa opsyon ang Negros Regional Hospital.  Pinakamura ay ang Panay Health Care at mas malapit sana ang follow up check dahil andun lang sya sa Kalibo pero nauwi kami sa Riverside Hospital dahil isang araw lang ang pagpaskedyul at mas makikita ng doktor kung ano ang nodule na nakita sa kanyang baga sa x-ray film.  Kung titingnan ko naman ang Doctors at Riverside, halos 3 libo lang ang diperensya samantalang latest at 64 slices ang sa Riverside. Lumalabas ngayon na mura ang Riverside sa lahat sa kanila.  Kasi sa 16 slices na resulta at hindi makita ng doktor ang hinahanap n'yang sagot, pwedeng ipaulit ang CT Scan at pag nangyari yun doble o higit pa ang magiging gastusin.



Paano maging member ng Truly Rich Club ni Bo Sanchez
Be Truly RICH
How to EARN by Working @ HOME

Tuesday, July 29, 2014

Spot Hot

For P130 of this I don't think I'll go back there again.

Spot Hot

posted from Bloggeroid

Wednesday, July 9, 2014

Regrets and Living

Last week, i watched Act of Valor.  I usually don't like violent movies but this one towards the ending made me shed some tears.  Napakaganda ng mensahe na dapat ma-google ko para makuha ng buo.   Nararapat na maprint at mailagay sa aking board para reminder araw-araw.  Naniniwala ako na nabuhay ako sa mundong ito para sa araw-araw na selebrasyon ng pagkabuhay.  Gawin ang mga dapat at huwag ipagpabukas pero minsan nakakalimutan ito.  Parang napakabusy ng buhay na nawawalan ng focus at kailangan ng isa na namang kalabit o kaya pampagising at isa ito sa mga gumising sa mahimbing kong pagkatulog ng medyo mahaba-habang panahon. 
“So live your life that the fear of death can never enter your heart.  Trouble no one about their religion; respect others in their view, and demand that they respect yours.  Love your life, perfect your life, beautify all things in your life.  Seek to make your life long and its purpose in the service of your people.  Prepare a noble death song for the day when you go over the great divide.
Always give a word or a sign of salute when meeting or passing a friend, even a stranger, when in a lonely place.  Show respect to all people and grovel to none.
When you arise in the morning give thanks for the food and for the joy of living.  If you see no reason for giving thanks, the fault lies only in yourself.
Abuse no one and no thing, for abuse turns the wise ones to fools and robs the spirit of its vision. When it comes your time to die, be not like those whose hearts are filled with the fear of death, so that when their time comes they weep and pray for a little more time to live their lives over again in a different way.  Sing your death song and die like a hero going home.”

- Chief Tecumseh, Shawnee Nation
Celebrate LIFE! ü