Tuesday, December 17, 2013

Best Batchoy in Bacolod City

Sa tagal ko dito sa Bacolod dapat lang malaman ko kung saan ang pinakamasarap na batchoy na paborito ng halos lahat.  Itong Super Batchoy House ay napakaregular tingnan pero halos hindi ito nawawalan ng tao at sa bawat pagkakataon na papasok ako dito punuan talaga at kailangan mo pang maghintay minsan para makapag order at umupo.   Hindi ko lang talaga maisip kung bakit wala silang pera para ayusin naman ang kanilang lugar at gawing kaaya-aya sa paningin ng mga kustomer.

 Pero kung sarap ng batchoy ang pag-uusapan natin e para sa akin ito ang number 1. 
special batchoy na walang egg
 Bukod sa masarap ang sabaw, ang special batchoy nila ay hindi naman tinitipid sa halong mga laman, karne, atay, chicharon, at kung ano ano pa.  Kaya solb na solb ka na sa isang order nila. ;)
Yun lang talaga ang wish ko para sa kanila.  Ang gawing malinis at kaaya-aya ang kanilang lugar. ü


Paano maging member ng Truly Rich Club ni Bo Sanchez Be Truly RICH How to EARN by Working @ HOME