Isang linggo na ang nakalipas ng maghanap, magtanong, at magkumpara ako kung saan mura ang CT Scan na kailangan ng nanay ko. Dahil sa Aklan s'ya nakabase ang una kong tinanong kung saan meron ay sa Panay Health Care at ang sabi P7,400, 16 slices. Hindi ko naitanong kung may senior citizen discount ang presyo na binigay n'ya. At dahil nasa Bacolod ako nakabase at gusto kong magpa second opinion, pinapunta ko ang aking nanay para ipakonsulta sa Riverside Hospital. Nung kausap namin ang pulmonary doctor nya at humingi ako ng advise kung saan dapat at ano ang nararapat, simple lang ang sagot n'ya: depende sa pinansiyal ninyo. Mabait ang doktor dahil binigyan n'ya kami ng options:
- Riverside Hospital - 13k+ / sa buong Negros sila lang ang may pinakalatest na equipment at nagbibigay ng 64 slices na resulta (may senior citizen discount pa yan)
- Doctors Hospital Bacolod - 10k (may senior citizen discount pa) at 16 slices din
- Negros Regional Hospital - nasa 4k o mahigit pero aabutin ka ng minimum 2 linggo para ma scan kasi pipila ka sa charity cases nila at 16 slices lang din ang resulta.
Ang nanay ko ay hindi mabubuhay na nakatunganga lang at hindi ko mapigilang tumigil muna sa bahay at magpahinga kaya wala sa opsyon ang Negros Regional Hospital. Pinakamura ay ang Panay Health Care at mas malapit sana ang follow up check dahil andun lang sya sa Kalibo pero nauwi kami sa Riverside Hospital dahil isang araw lang ang pagpaskedyul at mas makikita ng doktor kung ano ang nodule na nakita sa kanyang baga sa x-ray film. Kung titingnan ko naman ang Doctors at Riverside, halos 3 libo lang ang diperensya samantalang latest at 64 slices ang sa Riverside. Lumalabas ngayon na mura ang Riverside sa lahat sa kanila. Kasi sa 16 slices na resulta at hindi makita ng doktor ang hinahanap n'yang sagot, pwedeng ipaulit ang CT Scan at pag nangyari yun doble o higit pa ang magiging gastusin.
Paano maging member ng Truly Rich Club ni Bo Sanchez
Be Truly RICH
How to EARN by Working @ HOME