i was there!!! ;_) i'm sure years from now i would be so proud to recall and share that i was part of the historic inauguration yesterday. cheers to the new president, cheers to the new Philippines, cheers to pagbabago! maraming agam-agam at lahat ay nagbabantay kung ito na nga ba ang hinihintay ng lahat na pagbabago. 2 bagay ang nag-iwan ng tatak sa aking puso kahapon habang nakikinig sa talumpati ni PNoy sa ilalim ng init ng araw at basang basa sa pawis:
1) walang aalis ng bansa (OFW) na walang tamang dahilan
2) panahon na para tayo magkawanggawa.
ako bilang pinoy, gagawin ang nararapat at tutulong para sa pagbabago at para makamit ang magandang pangarap na ito. naniniwala akong makakamit natin ito kung ang bawat isa gagawin ang kanyang makakaya at ibibigay ang lahat ng pwede nyang maibigay. isa itong challenge para sa lahat at hindi lamang para sa bagong pangulo at ang kanyang kabinete.
isa si noel cabangon sa mga hinahangaan kong singers ng bansang ito. kahapon habang kinakanta nya ito, pinakinggan ko bawat salita ng kanta at ako'y muli na namang pinahanga ng aking idolo sa galing ng paggawa ng kanta at pagsalin ng musika. panigurado madadagdag na naman ito sa aking koleksyon. ;_) namnamin ang bawat linya ng kanta at gawin sa pang araw-araw na buhay. mabuhay ang Pilipinas! mabuhay tayong lahat!
Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Tumatawid ako sa tamang tawiran
Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at ‘di nakikipag-unahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan
Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at ‘di nakikipag-unahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan
Bumababa’t nagsasakay ako sa tamang sakayan (Nagbababa ako sa tamang babaan)
‘di nakahambalang parang walang pakiaalam
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada
Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula
‘di nakahambalang parang walang pakiaalam
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada
Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula
[chorus]
‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
‘Di ako nagongotong o nagbibigay ng lagay
Ticket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay
Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno
Ticket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay
Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno
‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan
‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan
Inaalagaan ko ang ating kapaligiran
‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan
Inaalagaan ko ang ating kapaligiran
[repeat chorus]
Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang
Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan
‘di ako gumagamit ng bawal na gamot
O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y ‘di pumapasok
Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan
‘di ako gumagamit ng bawal na gamot
O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y ‘di pumapasok
Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan
‘pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan
‘di ko ibinebenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko’y aking pinahahalagahan
‘pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan
‘di ko ibinebenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko’y aking pinahahalagahan
[repeat chorus]
Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan
‘Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan
‘Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan
Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino
Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Iginagalang ko ang aking kapwa tao
Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko.
Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Iginagalang ko ang aking kapwa tao
Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko.
[repeat chorus twice]
Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
be financially rich. visit: www.ca2020.net
No comments:
Post a Comment