Tuesday, August 10, 2010

edukasyon at ang panukalang dagdag na 2 taon

lately maraming tanong pumapasok sa utak ko. katulad halimbawa ng bakit kailangan dagdagan ng 2 taon ang pag-aaral eh kung sa kasalukuyan ngang panahon halos di makagradweyt ang mga tao dahil kapos na kapos sa pera tapos dadagdagan mo pa? kaloka di ba? ito ang nakita kong latest statistics pagdating sa edukasyon:

One out of every three Filipinos aged between six and 24 has never been to school or has dropped out of the education system, according to a government survey.

Some 11.6 million Filipinos, or 34% of the country's 6 to 24 year-olds, quit school prematurely or never received any formal education.

One in five of these "stated that they cannot afford the high cost of education," the National Statistics Office 2003 survey found.

Enrolment levels were lowest in the poverty-stricken Muslim region of the south, where only about half of children and youth are in school or college.

18% children are not enrolled in primary school, a figure that rises to 40% for secondary school and 66% at college level.

The survey also found that one in 10 Filipinos aged between 10 and 64 cannot read or write at all. Females have a higher literacy rate of 90.4 percent compared to males at 86.8 percent.

Two in 10 Filipinos are "functionally illiterate", or lack numerical skills and cannot perform addition, subtraction, multiplication or division.

Functional illiteracy is worst among the Filipino poor, where three in 10 cannot compute or lack numerical skills.

The Manila-based Asian Development Bank estimates that 41.7 percent of the Philippine population live on two dollars a day
Reply With Quote

o san ka pa nyan? di nga maayos-ayos ang ratio ng aklat vs estudyante, guro vs mag-aaral, estudyante vs classrooms, isama mo pa ang di matinong classrooms sa liblib na mga lugar, na kung saan karamihan ay gumagamit na ng kompyuter sa mga assignments at projects, sila ni hindi nakahawak ng keyboards man lamang o kaya nakakita ng computer.

si korina sanchez nga di ko maintindihan sa sinasabi nyang: "darating ang panahon na wala ng estudyanteng nakapaa na pupunta sa paaralan" as if naman akala nya bakal ang tsinelas na pinamimigay na di masisira forever. kaloka!

ang sa akin lang naman solusyunan muna itong mga concerns na ito bago magmungkahi ng dagdag taon sa pag-aaral. nakausap ko ang isa naming short term volunteer galing Germany at napag-usapan namin ang edukasyon sa kanilang bansa. alam mo bang libre ang pag-aaral doon hanggang kolehiyo? gusto ko na nga agad lumipat dun e. ;_) tapos most of the days half day lang ang klase nila. the rest of the time is spent on sports that they like doing. ang iba naman nagpapart time work para pambayad sa dorm nila at para sa pagkain o di ba bata pa marunong na sa buhay. bago magcollege proper may OJT sila sa kung ano'ng course ang napupusuan so may experience agad bago pa ituloy ang kurso. o di ba panalo ito? kadalasan kasi sa atin OJT sa final year na saka pa lang nag sink in sa iyo na hindi pala ito ang kind of work na gusto mo. kaloka!!

ang sa akin lang naman....tutukan ang panukalang ito at alamin kung nararapat ba talaga para sa atin. looking back at my school years, sobrang saya naman sya pero ang akin lang masyadong matagal ang panahon na ginugugol natin sa paaralan. ngayon ang 2 taon na bata naka enroll na sa day care imbes na nageenjoy sa buhay. daming mga ina na gustong-gusto nasa paaralan na anak nila sa batang edad pa lang. alam mo bang ang maagang exposure sa school ang kadalasan na rason kung bakit nawawala ang interes ng kabataan na mag-aral? feeling nila they had enough of it. kasi nga naman kakamulat lang sa mundo school setting na agad. imagine mo naman ang mga prep at kinder lalo na sa private schools ang klase nila 7am! gigisingin mo ang bata ng 6am o kaya 5am lalo na at traffic papuntang school tapos pipilitin mong maligo kahit nilalamig parusa yun! dios mio! kadalasan ang mga bag nila mabigat pa sa bag na dala-dala mo pag nagtrabaho ka na. eh kahit ako nakagraduate sa kolehiyo di ko matandaan na nagdala ako ng ganyan kabibigat na bag at ang laman halos lahat libro! hay naku.

ang sa akin lang naman.....mahalaga ang edukasyon.  sabi nila school is meant to be fun but it ain't fun at all (at least most of the time) at ang sabi ko rin "life is meant to be fun".  saka kailangan ayusin na curriculum. wag puro english, math, science, at history. practical house chores idagdag mo na pati kung paano mag-alaga ng baby para mabawasan ang teenage mothers natin at marealized nila na hindi pala masaya mag-alaga ng bata sa murang edad nila.

ang sa akin lang naman....mahaba haba na ito. kailangan ko na bumalik sa trabaho. ;_)

be financially rich. visit: www.ca2020.net

No comments: