Friday, July 10, 2015

Ano ang magandang credit card?

Dalawa pa lang na credit cards ang meron ako.  BDO at saka Metrobank.  Nauna ang BDO at pagkatapos ng isang taon in-offer ako ng Metrobank.  Sinubukan ko pareho.  Narito ang aking karanasan bakasakaling makatulong sa iyo sa pagpili kung alin ang okay.

                            Membership Fees
BDO                     monthly (p'wedeng i-request na hindi bayaran.  nasa P75/month)
Metrobank            yearly (full mo s'yang babayaran ng 2,000.  lumalabas na 166.6/month                              masyadong mahal kumpara sa 75/month ng BDO)

                           Credit Limit
BDO                     ididecline n'ya ang transaction pag umabot ka na sa credit limit mo
Metrobank            ipaprocess n'ya pa rin ang transaction mo pero sa next billing mo may                                500 ka na over limit fee plus finance charges.  Umabot ng halos 700                                  yung binayaran ko at wala silang awa kailangan bayaran mo lahat

                           Late payment
BDO                     pwedeng ma request na huwag ng bayaran lalo pa kung full mo naman                              binayaran at days after the deadline pa lang
Metrobank            600 at fixed itong kailangan mong bayaran

So far ito pa lang ang mga pagkukumpara ko.  Sa susunod subukan ko rin siguro ang iba pang kumpanya kung ano mas makatao. ;)

Never again with Metrobank credit card.


Paano maging member ng Truly Rich Club ni Bo Sanchez Maging Milyonarya sa Stock Market Paano Kumita Habang nasa Bahay

Paano ang pagbudget ng suweldo

Mula sa Rich Juan ang artikulong ito kung paano gamitin at i-budget ang iyong pera o s'weldo.

Kung isang dekada ka ng nagtatrabaho pero kahit limang libo ay wala kang naipon, aba paano na lang ang iyong bukas pati na ng mga taong mahal mo at umaasa sa'yo?


Ito ay isang halimbawa lamang kung paano i-budget ang iyong kita.  Ipagpalagay nating P10,000 kada buwan ang natatanggap mong sahod pagkatapos na ng lahat ng kaltas sa SSS, PhilHealth, Pag-ibig Fund, at iba pa.



  1. Pondo para sa oras ng kagipitan o Emergency Fund - 10% = 1,000 (kailangan meron ka nito para hindi ka baon sa utang pagdating ng oras)
  2. Monthly expenses - 55% = 5,500 (para sa lahat ng pangangailangan sa bahay at personal na gamit)
  3. Retirement - 10% = 1,000 (pwede mo itong ipunin sa bangko o i-invest)
  4. Empowerment - 5% = 500
  5. Leisure Fund - 5% = 500 (para sa mga biyahe mo o bakasyon)
  6. Self-Development Fund - 5% = 500 (mag-attend ng mga seminar na makakatulong kung paano pa maging successful at mabuting tao)
  7. Give away - 10% = 1,000 (ang golden rule sa buhay: ipamigay ang mga bagay na gusto mong magkaroon)
Si Bo Sanchez naman may tinatawag na 5W Basket System 
  1. Worship Fund (tithes) - 10%
  2. Wealth Fund (Long-Term Investments) - 20%
  3. Want Fund - 10%
  4. Wellness Fund (Short-Term Savings) - 10%
  5. Wallet Fund (Regular Expenses) - 50%
Sa Pesos and Sense naman ito ang suhestiyon:

The 70-20-10 rule states that:
-    70% is allocated for living expenses (rent, food, clothing, etc.)
-    20% is allocated for savings (retirement, investment, emergency fund, etc)
-    10% is allocated for debt repayment or fun money or tithes
Hmmmm so ayan ikaw na bahala kung ano ang mas workable sa iyo.
Kung gusto mo naman ng ligtas at walang kaba na investment sa stock market?  Matuto sa mga master.  Sila ang magiging gabay mo kung paano.  Magpamiyembro lamang sa Truly Rich Club ni Bo Sanchez o kaya i-click ang link sa baba. 

Mayamang buhay! ;)


Paano maging member ng Truly Rich Club ni Bo Sanchez Maging Milyonarya sa Stock Market Paano Kumita Habang nasa Bahay