Dalawa pa lang na credit cards ang meron ako. BDO at saka Metrobank. Nauna ang BDO at pagkatapos ng isang taon in-offer ako ng Metrobank. Sinubukan ko pareho. Narito ang aking karanasan bakasakaling makatulong sa iyo sa pagpili kung alin ang okay.
Membership Fees
BDO monthly (p'wedeng i-request na hindi bayaran. nasa P75/month)
Metrobank yearly (full mo s'yang babayaran ng 2,000. lumalabas na 166.6/month masyadong mahal kumpara sa 75/month ng BDO)
Credit Limit
BDO ididecline n'ya ang transaction pag umabot ka na sa credit limit mo
Metrobank ipaprocess n'ya pa rin ang transaction mo pero sa next billing mo may 500 ka na over limit fee plus finance charges. Umabot ng halos 700 yung binayaran ko at wala silang awa kailangan bayaran mo lahat
Late payment
BDO pwedeng ma request na huwag ng bayaran lalo pa kung full mo naman binayaran at days after the deadline pa lang
Metrobank 600 at fixed itong kailangan mong bayaran
So far ito pa lang ang mga pagkukumpara ko. Sa susunod subukan ko rin siguro ang iba pang kumpanya kung ano mas makatao. ;)
Never again with Metrobank credit card.
Paano maging member ng Truly Rich Club ni Bo Sanchez
Maging Milyonarya sa Stock Market
Paano Kumita Habang nasa Bahay
No comments:
Post a Comment