Tuesday, July 1, 2008

ang tanong

bakit ba
kahit saan ako magpunta
ang laging tanong
kung meron na akong asawa?

sawang-sawa na
sa mga tanong kung bakit wala pa.
eh, mismo ako
nagtataka.

para ano pa ang mag-asawa?
para singsing may mapapakita?
kaya kong bumili
kahit dala-dalawa pa

para iba na ang apelido?
ilang lakad lang sa City Hall
pwede na akong
Pitt, Cruise o Di Carpio

para may katabi
sa gabi?
kaagaw lang sa kumot 'yan
baka malakas pang humilik.

para paggising may kasama?
kailangan ba?
mouthwash naman ang hanap
sa mabahong hininga.

para sumaya?
kung talagang hindi masaya,
walang magbabago sa pag-aasawa
mandadamay pa ng iba.

mag-asawa lang
sa tamang dahilan
kahit wala na sa lotto at kalendaryo
basta tama sa panahon.

e, paano kung talagang wala
eh 'di wala
ang mahalaga sa buhay
kuntento ka.

No comments: