After a few hours sitting inside the van barely able to stretch your legs, this mini garden is is such a nice refresh.
Homey ang aking feeling habang naghihintay ng in-order naming dinner.
Aha! Prinsesa at prinsipe ang pangalan ng CR. Makes me wonder bakit walang para sa mga LGBT????
Gusto ko ang kanilang CR. Malinis, mabango, maayos, at well-maintained at higit sa lahat hindi plastik ang halaman. Buti na lang kasi kung plastik yun tinapon ko sa kanilang basurahan. hahahaahha
At kakaiba ang chandelier nila. Pinoy na pinoy ;)
Lahat masaya parang hindi napagod sa biyahe pero ganito talaga kasi nga papiktyur ;)
Winner itong sinigang na isda nila. Ang sabi ng waiter 'must-try dish' kaya sige order. May term sila sa isda na ito nakalimutan ko na pero nung i-serve diosmio danggit pala (well, at least danggit among tawag kara sa Aklan. tao kinyo kung ano. ü_Ang sarap nya as in!
Hindi ako masyadong fan ng pakbet pero ito talaga winner din. Siguro dahil sa alamang nila sa Pangasinan na hinalo dito at saka perfect ang pagkaluto ng mga gulay. Ayoko kasi ng latang gulay.
Aha! On the house ang dessert na ito. Akalain mo sa dami namin dahil mabagal akong kumain 2 o 3 na lang yata ang natira. Couldn't stop myself from asking extra nung natikman ko kasi ang sarap.ü Bawi ka na lang dito sa medyo mahal na presyo ng pagkain pero kung ganun naman kasarap ayos lang. I am looking forward to another travel in Luzon and for sure aabangan ko ang stopover na ito and it must only be at Matutina in Urdaneta, Pangasinan.
Be Truly RICH Work from HOME
No comments:
Post a Comment